“Light Rail Transit Line 3 Stations Need a Complete and Total Makeover”

Gumawi ka sa ilalim ng isa mga dambuhalang ito.
Aywan ko lang kung di ka maaburido.
Ngayon naman ay tumingala ka.
O anong sikip. O anong dugyot. O anong dambuhala.

Dakilang mga mananakay, sa tuwina nawa'y matuwa,
Sila na kapakanan ng nakararami ang inuunawa.
Bakit kailangang apakakapal at apakalawak,
Masalimuot at pagpanhik-panaog ay apakahirap?

Hindi ito pamilihan o kung anu-ano pa man.
Nakapaloob dito'y ukol dapat sa pagsakay at pagbaba lamang.
Nang madlang mananakay, ligtas, seamless, at walang-abala
Na makalipat sa bus, jeep, ferry stations, at mga plaza.

ni: Marven T. Baldo

Comments