“Display the Post Office Building”

     Ang mga punongkahoy na tumatakip sa sinaunang tanggapan ng mga liham ay makabubuting bunutin at ilipat sa mga pook na wala ni katiting na kaluntianan; halimbawa, sa kabilang ibayo. Sapagkat lubos siyang natatakpan ng laksang punongkahoy at nakaangat na kalsada, dalawang bagay na hindi naman kinakailangan sa pook na iyon. Sa halip, makabubuting ibalik siya sa kanyang sinaunang kalalagayan na napapagitnaan ng dalawang tulay na pinagmumulan ng dalawang daan na magtatagpo sa Isang malawak na daan at lubusang natatanaw ng mga naglalakad at nasa mga sasakyan kahit hindi pa nila hanapin at sadyain.

ni: Marven T. Baldo

Comments